Tuesday, July 1, 2008

Ang Maling Pagsinta

alam ko naman na may mahal ka ng iba
pero ewan ko ba, bakit pilit pa rin
ikaw ang hanap ng puso
kahit ilang beses yatang sabihan ko ang aking sarili
na tama na eh lalo naman nahuhulog ang loob ko sayo
pinipiplit ko na limutin ka at ibaon na lng sa limot ang lahat
pero sadya yatang tinarak ni kupido ang puso ko at di na makaiwas pa
lubha yata akong tinamaan sayo
ewan ko ba, matagal ko na rin di naranasan ang umibig
kahit alam kong iba na ang laman ng isip mo
ikaw pa rin ang sinisigaw at tinitibok ng aking puso
di ko hinahangad na suklian mo ang pag-ibig na alay ko
makita lng kita bawat araw na ika'y masaya
malaking kiliti na ang nagagawa nito sa puso ko
makita ko lng ang kislap ng yong mata
ang ganda ng yong ngiti
labis na ang kagalakan hatid sakin
mhal na nga yata kita
pero ako yatat mahina ang loob n sabihin ito sayo
pero bakit ko pa nga ba sasabihin kung ang atensyon at pandinig moy
nasa piling na ng iba
para yatang sumisigaw lng ang damdamin ko sa ilang
umaasa na may tutugon may makaririnig
di man tayo laan sa isat isa
malaking bahagi na ng buhay ko ay binigyan mo ng kulay
mahal na nga yata kita
di ka man mapasa akin
kahit man lng sana sa panaginip ay maging tayo
sapat na sakin ang malamang ikaw kasama ko
sapat na ikay namamasdan ko
mapuno man ako ng luha sa tuwing kasama mo sya
puso koy di magbabago
patuloy akong magmamahal sa yo

"aking anghel
ang maganda kong anghel
ang nagliliwanag kong anghel
ang walang katulad na si ____
mahal ko ang anghel na ito
kung pwede lng babaliin ko na ang pakpak ng aking anghel para lagi lng syang nsa tabi ko
pero magiging makasarili naman ako
.......lumipad ka aking anghel....
lumipad ka ng mataas at malayo.......
at su tuwing kailangan mo lng magpahinga...
bumalik ka lng,... bumalik ka lng sakin
dahil mahal kita .... mahal kita..."

No comments: