Wednesday, April 9, 2008

Paghihintay ...

hindi ko alam kung kailan ka darating
pero pilit pa rin akong maghihintay
di ko alam kung saan at kailan
pero umaasa pa rin ako na balang araw
makakadaupang palad din tayo
maraming taon na ang lumilipas
at dumarating na ako sa edad
pero di pa rin nawawalan ng pag asa
alam kong naririnig mo ang aking tinig
kahit di ko alam kung sino ka
kahit di ko alam kung kailan at saan
maghihintay ako...maghihintay ako
kahit abutin na akong ng paglubog ng araw
datnan man ako ng katandaan
aasa at aasa akong darating ka
laging laman ng aking panaginip ang yong mukha
sigaw ng aking puso'y ikaw ang hanap
kahit na madalas akong naglalakbay sa ilang
Pag-asang makita ay nagbibigay lakas
2 taon na lng.... 2 taon na lng....
bago maupos ang aking buhay
na tila kandilang malapit ng mawalan ng liwanag
matagal na panahon na
pero wla ka pa rin
Ayokong bumitiw sa natitirang pag-asa na meron ako
Hahanapin kita kahit saan ka pa magmula
Di ako titigil di ako susuko
Puso ko'y di mahihimlay hanggat di ito mamahinga sa piling mo
Hanggat nabubuhay pa ako hanggat sumisikat pa ang bawat umaga
Wlang hanggan ako'y maghihintay

No comments: