Tuesday, May 12, 2009

Lihim na Pagtingin

nahihiya akong aminin ang nararamdaman ko sayo
di ko alam kung dapat ko bang ipagtapat sa yo
O habang buhay ko na lng na itatago

May bahagi sa puso ko na gusto ng magsalita
Pero tikom ang bibig ko at halos wlang masabi
Pilit na kinukubli ang tunay na nararamdaman
Damdamin na matagal ng naghihintay ng pagkakataon
Damdamin na umaasang magmahal at mahalin din

Masaya akong araw araw kang pagmasdan
Pero Masakit din dahil hanggang tanaw lang ang kaya kong magawa
Umaasang darating ang araw na magkakalakas din ng loob
Umaasang Magkakaroon din ng tapang balang araw

Pero sa bawat pagkakataong ninais kong humakbang
Di man lng ako makakilos at makapagsalita
Para akong binuhasan ng yelo
Para akong inawitan ng adarna at naging bato
Wlang imik at tanging mga biro lng ang kayang sambitin

Hindi ko alam kung bakit at parang may takot na pumipigil
Takot na baka sa pagkakataong malaman mo
Doon na mag iiba ang lahat
Takot na sa pagkakataong masambit ng aking labi
Ang mga bagay na tunay na nilalaman nito
Iyon na ang magiging hudyat ng katapusan

Mga pangarap na bigla na lang maglalaho na parang bula
Mga panaginip na madalas kong himlayan ng mga pangarap
Mga pangarap na minsa'y nanaginip na maging tayo man lng

No comments: